nasa $60k pa tayo, pero bumaba na tayo, sa Binance -
https://www.binance.com/en/trade/BTC_USDT... nasa 58,373.00 usd ang 24 hours low.
Sa mga panahong ganito na kung saan bullish ang market ng more than a year, parang kinakabahan na ako na baka darating na ang bear season.
Yan din ang kinakabahala ko pero mas malaking correction naman na nangyari sa bitcoin di ba nung nakaraan na umabot ng $28k. Kaya kung itong correction ay hindi ganun kalaki at above $50k pa rin naman, di pa ako magwo-worry. Pero hindi rin talaga maalis sa isipan na kapag bumaba ang price, parang bear market agad ang pumapasok sa isipan natin kasi nga sobrang laki ng binaba. Hangga't okay pa rin naman ang price niya at above $50k, tingin ko bull market pa rin tayo, at mas bullish ngayon lalo na sa ibang mga balita na nakikita ko.