Madami ang mga kuro-kuro sa ngyaring pagbaba ng halaga ni BTC na once bumaba ito ay damay lahat ng alt coins ng dahil sa naging correction market price.
Ano sa tingin nyo mga kabayan. posible kaya na humataw ulit ito ng mas mataas pa sa price last year ?
Sarap mamili habang nasa mababa pa ang price at hintayin ulit ang pagtaas nito to the moon ika nga.
Sa tingin ko oo aabot pa sa 100,000 k USD ang Bitcoin bago magtapos ang taon at kaya nga dapat nating sulitin ang panahon na nagsibabaan ang presyo ng mga cryptocurrencies, bawat taon nag taas ang presyo ng Bitcoin kaya sa tingin ko di na uli baba yan sa 40,000 k USD.
May panibagong covid variant na naman ang lumabas ngayon, kung mauulit ang nangyari nung nakaraang taon na nagka covid scare at nag panic ang mga tao, maaaring maapektuhan ang crypto market. Kaya may posibilidad din na bumaba sa $40k ang price ng Bitcoin. Ganunpaman prediction lang ito at walang kasiguraduhan, at kahit mangyari man alam naman natin na hindi nagtatagal ang bearish market at nakakabawi ulit.
Pero sa tingin ko hindi pa sa taong ito ma reach ng Bitcoin ang value na $100k, mas realistic sabihin na by mid next year pa.
Tila ba nasanay na ang mga tao sa paglabas ng ibat ibang variants ng covid i mean hindi na sila gaanong natatakot ngayon. Siguro ay dahil sa ang karamihan ay bakunado na at kung magkakaroon man ng panic etoy hindi na katulad ng dati na sobrang takot ng mga tao sa covid kaya pati ang bitcoin ay apektado din at bumulusok ang price noon. Tungkol naman sa price ng bitcoin ngayon sa aking obserbasyon lang ay tila nabawasan ang hype at dahan dahan tayong pumapasok sa bearish market. Pero madami pa din ang umaasam ng $100k per bitcoin lalo na ang mga whales na ang kanilang mga profile pictures ang kanilang mga mata ay may laser tanda na naghahangad sila o ang goal nila ay 100k usd per bitcoin eto ay hindi malabong matupad dahil sila nga ay mga whales. Kaya pag ang 100k usd per bitcoin ay di naganap ngayong december siguro ay mga next year nato matutupad.