Sa mga nababasa ko sa socmed, mukhang allergic ang BDO sa crypto, strikto yan pagdating sa mga ganitong assets. Mas okay pa ang UB at iba pang banks. Lahat ng ATM bank cards ko ay online registration lang. KOMO, ING, CIMB at UB. Sa BDO kailangan pa mag apply sa mismong branch office nila. Kaya never pa talaga ako gumamit ng BDO at wala na rin akong plan mag apply sa kanila kasi nga sa mga nabasa ko tungkol sa kanila pagdating sa kung ano ang source ng kinikita mo.
Regarding naman sa Coins.ph vs Binance P2P, mas prefer ko pa rin ang rate ng Binance syempre, at meron din naman silang direct to Gcash or bank account tulad ng nabanggit sa taas lalo na kapag meron bumibili ng USD na mas mataas sa market price. Kung XRP transactions naman, saka lang ako gumagamit ng Coins, kaya kinukumpara ko muna talaga ang mga rates bago ako gumawa ng mga transaksyons.
Nakikita ko din sa mga investor na nag popost sa tiktok at curious nga ako with it, ang tanong lang is san ba pwedeng mag withdraw ng mga asset natin like kunware mga 150k allowed ba ng UB ito mismo? like wala na masyadong interview kasi di din naman ako nag wowork more on freelancing ang work ko at dito sa forum. Salamat sa pag sagot sa follow up na to.
Sa tingin ko wala kang magiging problema sa UB at majority sa ibang banks, wag lang talaga BDO kasi simula pa yan noon strikto talaga sila. Kaya't hindi ko na pinagtataka na naging strikto din sila sa crypto. Check mo nlang deposit limits ng bank na papasukan mo para wala kang magiging problema kung sakaling limpak limpak na salapi na ang denideposit mo hehehe.
Ako nga ginagamit ko payroll bank account ko sa PNB sa mga crypto transactions ko galing Coins for more almost 2 years na, wala naman naging problema.
Lahat ng banko sa Pilipinas ay regulated ng BSP, so hindi pwedeng mag restrict ang isang banko na hindi naaayon sa policy na galing sa BSP. Konte lang naman ang banko ko, kaya di ko masasabi na okay ang lahat, pero so far sa dalawang banks na gamit ko, never akong nagkaroon ng problema sa aking cash out from coins.ph direct mismo sa banks. BPI, China Bank, and minsan pa nga Eastwest.