Yep agree. Mas friendly pa rin sa magagastos if sa Binance rekta ang cashout ng SLP. Egul kapag sa coins.ph pa pinadaan e may direct naman na sa Binance. Ang gagawa nyan iyong mga walang Binance account or di comfortable sa exchange na yan.
May nagtesting na ba dito ng SLP transaction sa coins.ph? Kamusta ang experience niyo?
Luge talaga kapag direkta sa coins.ph ang pasok ng SLP at AXS. Dati sobrang mahal ng fees at mabuti nalang si binance nag adopt ng ronin network. Siguro pwede rin naman yan itrabaho ni coins.ph since kilala naman ang bansa at community natin na madaming players ng Axie. Pwede nila tulungan si coins.ph, panigurado mas tataas yung demand sa coins.ph kapag naging direkta sa ronin network ang transaction. Sana kasama yan sa plano nila dahil nag start naman na silang mag adopt ng slp at axs.
Ang dapat nilang iworkout is iyong transaction fees kahit alam natin wala sila kinalaman. Kahit iadopt ng coins.ph ang SLP at AXS, kakainin naman ng malaking fees since obviously walang conversion sa Ronin to other coin para makatipid. Di ko alam kung magiging mostly used ang SLP transaction sa coins.ph unless walang may gustong gumamit ng Binance.
On the other hand, malaking bagay ang pag-include ng coins.ph sa AXS at SLP para sa mga nais bumili nito. Kakain pa rin ng malaking fees pero at least iyong mga walang Binance, may mga alternative na.
Syempre kikita pa rin ang coins.ph, mas maraming coins mas maraming fees na makukuha nila kasi hindi naman sila mag add ng coin na hindi sikat. Siguro preparation na rin para kung sakaling magka license na ang Gcash at Paymaya, mas marami pa rin options for trade sa kanila. Siguro din, naging competitor na ng coins.ph ang Binance lalo ang p2p kaya nag add na rin sila ng mga coins na meron sa Binance.