Source:
https://bitpinas.com/cryptocurrency/coins-phaxs-slp-axie-infinity/Ito talaga yung pinakainaantay ng buong Axie gang dito sa Pinas ang pag add ng AXS at SLP sa Coins.PH wallet. Hehe kaya lang hindi na ako na nag A-Axie, but I may consider staking AXS or being a LP provider to farm Ronin tokens later on.
But syempre ang downside naman dito ang fees ni Coins.PH. Pero anu masasabi nyu dito mga kababayans?
Ok tlga na maraming option pag dating sa pag cashout ng SLP and AXS pag dating nmn sa mga fees sa pag cashout expect na natin na may mga difference tlga ang bawat crypto wallet. Wait lang natin dadami pa yan mga application wallet na mag aaddopt sa slp at axs. Isa pa mahirap din mag cashout ngyon ng slp sobrang baba pa ng palitan hopefully pag palit netong taon maghilahan na pataas yung mga tokens/coins.
Parang pababa na itong SLP, malapit ng mag all time low based sa graph na makikita natin dito
https://coinmarketcap.com/currencies/smooth-love-potion/... so kung maliit lang ang kitaan, konte rin ang magiging transaction ng coins.ph.
Usually if malapit na sa All time low ay magstart na itong magrecover, so hopefully tumaas ulit ang price at for sure dadame ulit ang magtransact nito. May nakapag try naba gamiting ang coinsph? Magkano ang fees nito? Ronin wallet naren ba ito? Medyo doubt ako with fees pero ok naman talaga na may other option tayo aside from Binance and P2P.
Di ko pa tinry pero sa tingin ko hindi pa ronin base yung slp at axs na nasa coins kaya sana dapat mag update sila at gamitin yung ronin network para dumami ang mag transact na pinoy gamit ang slp at axs at sobrang convenient nito para satin.
Tsaka tingin ko pag na implement nila yung v2 next year at me additional burning mechanism na plano nila malamang tataas ang slp nyan.