Maging optimistic lang tayo mga kapatid. Kahit sino satin ayaw mawala ang axie malaki ang naitulong nito sa mga nangangailangan. At tama kayo habaan lang natin ang pasensya natin at lalo sipagan at galingan sa laro para makapag earn ng mas maraming SLP. Naniniwala din ako na hindi pababayaan ng mga developers nito ang axie. Gagawan nila ng paraan yan para dumami ulit ang investors. Tska isa pa walang limit ang supply ng SLP kaya hindi talaga madali ang pag pump nito.
Tama, wag masyadong mag panic and tulad nga ng sabe ko, pag nabawe mo na ang puhunan mo wala ka na dapat ikabahala kase puro profit na ang darating sayo kahit anong presyo pa ng SLP. May mga magagandang update na parating, sana lang ay magkaroon talaga ng new investors ang axie para makabangon muli ang price ng AXS at SLP. Though, I’m disappointed about the off season MMR since nagbago na naman ito, wala tayong magagawa kundi sumunod na lamang at maglaro, enjoy nyo lang kakakaraos ka din.
May update ba tungkol sa mga na nerf nung Season19? Bumalik naba sa dati or same paren?
Medyo nakakagulat nga ang pagreset ng MMR against dun sa previous set up nila pero anyway, ok naren ito para makabangon yung ibang below 800MMR.
I heard rumors about cutting the reward on DQ and Adventure, mukang wala talaga maisip na burning mechanism si Axie team.
Meron atang upgrade sa mga Axie or sa mga Cards na isa sa mga burning mechanism ng SLP, pero grabe na talaga pag binawasan na naman nila yung sa adventure mode at daily quest.
Pero kahit na siguro e labas na nila yung land update or kung ano-ano pang mga update ay mukhang mahihirapan bumangon ang presyo ng SLP, not unless kung maraming bibili at mag hold ng SLP kesa sa mga nag bebenta. Eh mukhang malabo kasi kadalasan ay mga iskolar at panay cashout lang din mostly sa kanila.