Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
Oasisman
on 14/01/2022, 13:17:41 UTC
Sa ngayon kasi nahihirapan din ako maghanap ng isko na masipag kasi yung mga current isko ko ang tatamad na. Puro adventure nalang, konti nalang bebenta ko nalang din mga teams ko kahit lugi pa ko. Mas mabuti ka at may mga isko kang masisipag, sa akin kung hindi tamad mag grind, may mga sakit kaya adventure lang ang ginagawa. Kaya siguro tama nalang muna ang gawin ko na hayaan nalang muna kung ilang team meron ako ngayon.

Same here. Ayaw na rin ng mga isko ko (although 2 lang naman) which is naiintindihan ko rin naman. Ang ending ako na lang naglalaro at minsan di ko na nalalaro sa sobrang busy. Kagandahan lang is, ROI na ako and parang past time na lang.

Di ko pa maisip ibenta iyong akin kahit palugi na price kasi ang problema lang sa akin sa ngayon is time. Masyadong busy outside crypto so hayaan ko na lang siguro. Di na tataas yang SLP kahit 5 pesos. Malabo na sa akin yan. Ang kinaganda, may maasahan pa rin ako as side income.
Yan din nasa isip ko, kung tumaas yan, di na tulad ng dati pero ang sa akin naman 6 pesos na yung parang palugit ko na pwedeng itouch niya na pinakamataas at pagkatapos nun, hindi na natin alam baka mas maging mababa pa ulit. Ang maganda sayo bawi ka na at pure profit na yung mga lalabas ngayon. Kaya di ka pressure at wala kang hinahabol na quota kahit anong oras at araw mo laruin, may extrang pera ka ng kikitain. Sa akin kesa medyo malaki laki pa yung babawiin ko kung pure profit lang pero kung isasama ko sahod ng mga isko, onti nalang kailangan kong bunuin.

No choice brad e. Need bunuin pa. Ano pa man maabot mo rin yan. You are not the only one na naghahabol pa ng ROI. Ako last November lang ako nag ROI. Tnyaga ko at naramdaman ko na kasi saan papunta SLP. Auto sold lahat sa akin wala na ako paki kung tumaas pa kasi ang habol ko mag ROI na para di na pressure. Ang plano ko na lang that time, saka na mag hold pag settle na which is ginagawa ko na ngayon.

Sa totoo lang nakakatamad na rin haha. Pero andyan na yan e.

Hahaha akala ko ako lang ang tinatamad. Pero pag naka bawi kana wag mo nalang cguro e benta hayaan mo nalang nga isko mo kung ano lang kaya nila at hold nalang din ng SLP may aasahan pa naman na event para mag trigger ng pag pump like releasing the new updates sa land.
Kahit mag 3 php lang ayos na yan, pero ang target talaga is kahit mag 5 php lang benta na lahat.
Pababa ng pababa talaga ang SLP sa ayaw at gusto natin, kahit ilang update pa siguro e labas nila kasi araw2 nag po-produce ng SLP lahat ng players eh at la ubos ng pa ubos ang din ang mga player at the same time.