Gumagamit ako ng PDAX at naka-receive ako ng email para sa beta test nila sa app nila. Pa-signup na sana ako kaso di ko nalang tinuloy. Limited lang ata ang inemail nila o yung tatanggapin. Tapos na rin ata yan.
Beta test? Ang alam ko matagal ng live ang exchange nila. Na-cover ko na sila dati around 2019-2020. Pero kung mobile app yung tinutukoy mo, ngayon ko pa lang ito nabalitaan.
Yung sa app nila yung inaaayos nila kaya nag-hire sila ng mga beta tester tapos yung incentive na binigay sakto lang para sa mga beta testers. Kung registered ka sa kanila, naka-receive ka dapat ng email tungkol sa beta test pero kung hindi, baka limited nga lang kaming nakatanggap nun.