Panahon na nga ba maging cashless society ang pilipinas? Sa aking palagay ay hindi pa napapanahon. Oo kahit papaano ay established na ang crypto currency sa ating bansa ,laganap na din ang e-payment kung tutuosin , subalit halos majority ng pamayanan natin ang hindi pa fully aware na meron na tayong gantong klaseng pamamaraan ng pagbabayad. Lalot lubos na mahihirapan dto ang mga small scale busines sa ating bansa . Pero sa kabilang banda hindi rin malabong mangyare ito .dahil sa iilang bansa napatunayan nila na maari itong manyare lalot ng pumutok at lumaganap ang covid 19 .
Tama ka dyan kabayan, Marami sa mga kabayan natin dito sa pinas ang hindi pamilyar sa cryptocurrencies at sa mga e-payments, lalo na ang mga katutubo natin sa mga kabundukan at karatig probinsya. At panigurado hindi papayag basta2 ang gobyerno dito dahil marami dapat isaalang alang at malaki din ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng pilipinas. At kahit ang mga nakatira sa siyudad ay hindi lahat may kaalaman dito dahil mas madali parin gamitin ang nakasanayan na fiat o perang papel para ipangbayad. Ngunit kung ang lahat ng tao sa pinas ay magiging pabor dito at magkakaroon ng sapat na kaalaman, malaki din ang oportunidad na mabibigay nito sa atin. Dahil mamumulat ang mga tao kung paano gumamit ng gadgets at mas mapapalawak pa lalo ang ating mga kaalaman patungkol sa mga bagay na ginagamitan ng internet.