GCASH siguro na nangungunang digical cash sa bansa natin, at good news dahil balak nilang pasukin ang crypto at dahil diyan malaki ang maitutulong nila sa pagexpand ng adoption ng mga tao about sa crypto. Siguro madali na rin sa kanilang maniwala na hindi scam ang crypto dahil naisama na ito sa GCASH, at actually hindi lang GCASH, ang PAYMAYA ay interested din sa crypto, so sana this year meron tayong marinig na good news ulit.
Kumbaga sa atin, big three sila. Gcash, Paymaya at Coins.ph. Meron akong mga nakikitang startup fintech company na focus din sa ganitong serbisyo. Pero mukhang mahihirapan silang makipagsabayan sa big three na ito. Ang inaabangan ng marami ngayon ay yung adoption ng gcash at paymaya kasi nga nabalita na sila last year pa maga-adopt sila ng crypto wallet at posible na rin na pwedeng magtrade sa mismong mga app nila. Kapag ganun, baka kabahan na si coins.ph.
