<snip>
Inadopt na ni coins ang ronin network pero ang siste sabi nila need pa daw magbayad para ma activate ang wallet mo, di ako sure dito kasi di ko pa na try at wala din akong balak mag transact ng slp sa coins dahil sa limits nila at baka madamay yung iba kung transaction at di na makapag withdraw kung sa coins.ph ako mag convert.
Para sakin mas ok parin si binance kumpara kay coins.ph kung gusto mag withdraw ng walang kahirap hirap.
Magandang option pa rin ito dahil minsan masyado ding mababa ang palitan ng p2p sa binance lalo kung biglaang may malaking paggalaw sa crypto. At kung may coinspro ka naman, pwede mo nang iset ang price sa mas mataas kaysa sa price ng coinsph.