Edukasyon tungkol sa AIDPoS
Ano nga ba ang AIDPOS at Paano ito gumagana?
Sinasabi na ang Velas ay nagsaliksik bago pa man sila pumasok sa teknolohiya nito at paano ito makakatulong sa crpyto.
Alam naman natin na ang crypto at blockchain ay isang malawak na network at mayroon itong iba’t ibang mekanismo sa kung paano nito bibigyang solusyon ang mga naturang kakulangan sa iba pang mga blockchain. At isa ang Velas sa nagsaliksik ng makabagong teknolohiya upang mas maging mabilis ang prosesa at mas mabisa pag dating sa mga transaksyon.
Ngayon ang naging motibasyon ng Velas ay dahil sa mga umiiral na paraan ng pagbabayad at transaksyon tulad ng mga Visa at mastercard. Sinasabi nila na.
“Nakakaya ng Visa na hawakan ang 5000 na transaksyon kada segundo. Gayundin, sa mastercard na sinasabing kaya nito ang kahalintulad na dami ng transakyon. At ang Velas ay mayroong 50,000tps.” Samakatuwid mas kaya ng Velas i-proseso ang mas maraming transaksyon.
Kaya gumawa ang Velas ng AIDPoS. Dito ay sinu solusyonan ng algoritmo ang karaniwang problema sa ibang blockchain na hindi balanseng kakayahan at seguridad na naibibigay sa isang network. Ang AIDPoS ay aktibong umaangkop sa blockchain configuration upang mabalanse ang kakayahan at seguridad kasama ang pagpreserba ng desentralisasyon.
Sa Tsart sa ibaba ay makikita ang ibang mekanismo tungkol dito.

