Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Kulang ba sa support ang government natin sa cryptocurrency?
by
Fredomago
on 24/03/2022, 20:16:50 UTC



Hindi kasi stable kaya yan nakikita kong dahilan na hindi pa ganun ka sigurado  or sapat na kaalaman kung paano nila i implement. saka sa sinasabi ng iba na tax tax ang btc malabo yon. paano mo itatax isang decentralized na bagay.  maliban nalang kung ang mainconcept mo is crypto then therest is billspayment like coins.ph yan taxable talaga yan sila. kaya nga yong gcash saka paymaya opinion ko hindi magsusuccess yan (opinion ko lang pero on  testing palang din naman sila)


saka dito sa pinas karamihan sira ang image ng bitcoin dahil sa mga scam na networking company na ginagamit pang front ang bitcoin.



Isa rin yan sa mga dahilan ang pagbaba taas ng halaga ng cryptocurrency. Dun naman sa tax maraming paraan yan lalo na gumagamit tayo ng iba't-ibang wallet na pinapatakbo sa Pilipinas. Gaya nga ng sabi medyo malabo pero kung hahanapan nila ng paraan para magkapondo ang bansa madali lang yan. Tungkol naman sa Gcash at Paymaya tignan na lang muna natin yung pwedeng mangyari think positive lang muna tayo lalo na good news satin yun kung masasakatuparan. Nasanay na tayo sa paulit ulit na masamang balita na laging Bitcoin ang nabubungad.


Sana makahanap ng magandang way ang government para sa proper taxation and tungkol naman sa paymaya at gcash well-known business naman sila dito sa bansa natin so madali na sa gobyerno natin na mahanapan or magawan ng paraan kung paano sila itatax if ever na talagang ioffer nila ang crypto sa service nila.

Think positive and ang reflection naman nyan pag naging matagumpay eh para din naman sa ating mga crypto users and syempre may makukuha din ang agbyerno kung talagang pag uukulan nila ng panahon na hanapan ng paraan.