Post
Topic
Board Altcoin Announcements (Pilipinas)
Re: FIL [ANN] Velas
by
Saichoukyushin
on 03/04/2022, 06:01:37 UTC
Paano kumita sa Staking?

Bago ang lahat ano muna ang Staking?
Ang staking ay ang pamamaraan kung saan ikaw ay mamumuhunan at maglalaan ng ilang crypto tokens depende sa pinakamababa o pinakamataas na kailangan sa naturang token para ikaw ay mapabilang na isa sa mga staker. Dito ay kikita ka ng ng “passive income” ng walang ibang gagawin pagkatapos mo ito mailagay sa staking pool ang iyong tokens.

Paano naman gumagana ang staking?
Ang staking ay gumagana sa proseso na ikaw ay nagging isa sa nagsesecure sa mga transaksyon sa isang crypto tokens halimbawa na lamang ay Velas, Solana, Algorand at maraming pang iba. Hindi lamang lahat ng mga crypto ay pwedeng ma-stake dahil ito ay maari lamang sa mga “POS” o “Proof of Stake” na uri ng crypto . Sa POS Ililigay mo ay ilang Velas (VLX) Solana (SOL) sa mga staking pool na parang mo itong ipinahihiram sa network upang beripikahin ang mga transaksyon at mas maging ligtas ito sa anumang mga pagatake sa network. Sa ganung paraan ay mabibigyan ka ng gantimpala depende sa kung ilan porsyento ang nakalaan at ilang mga kalahok ang kasali sa isang pool. Dito sa dami nagbabase at nahahati ang APY% na maari ninyong kitain.

Pakantandaan:
May ilan lamang itong disadvantage at dito papasok ang tinatawag na “Lockedin period“. Sa ilang mga coins or tokens hindi mo magagamit o mailalabas ng basta basta dahil ito ay nakalock na nakabatay sa kung ilang araw ang nakasaad bago mo ito pwedeng mailabas mula sa wallet at maaring maging dahilan ng iyong pagkalugi lalo na kung biglang nagbago ang presyo ng naturang crypto coin/token.

Ito ay hindi pinansyal at kailanman ay hindi magging payo sa mga mamumuhunan. Ugaling magbasa at aralin muna ng mga regulasyon o mga nakasaad sa staking bago i-stake ang iyong mga crypto dahil maari mo itong pagkakitaan at maging dahilan ng iyong pagkalugi.

Narito ang ibang links kung gusto ninyo bumili at mag-stake ng Velas

Bumili dito: http://vlx.network/buy-velas
Mag-stake: http://vlx.network/staking