Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paymaya planning to add crypto?
by
chrisculanag
on 06/04/2022, 18:35:56 UTC
Nadagdag na ang Crypto sa dashboard ng Paymaya although right now when you click it ang  nakalagay ay "this feature is temporarily unavailable".
Dahil dito napilitan tuloy ako magregister at magpa verify, yun nga lang walang crypto feature tab sakin.

Taken from another thread:

  • may nakita akong nagpost sa FB na sa paymaya app niya, meron na crypto. Kung meron mang paymaya users dito na pwede i-verify at macheck sana.
    Matagal ko ng hindi ginagamit ito simula noong umalis ako sa Pinas, pero may lumabas na article tungkol dito: PayMaya Crypto Now Live!
    - Mukhang limited lang ito sa buy/sell at sa ngayon, sampung cryptocurrencies lang ang sinusupport nila.
Mukhang di pa pala nila implemented sa lahat ng users nila. Nagregister ako at nagtry, ang akala ko parang lahat na merong features nito pero nung sinubukan ko magpa verify sa KYC nila na almost instant, wala pa rin yung crypto feature sa account ko.
Baka hindi pa talaga nila ito inilalabas kasi kahit ako napacheck wala parin cryptocurrency tab na lumabas. Sa tingin ko lang marami pa silang pinagaaralan about cryptocurrency. Siguro magandang gawin na lang nito ay abangan na lang yung fully operation na para masubukan natin ang serbisyo nila. Sa ngayon mga test palang yan sila kaya medyo limitado yung nakakagamit ng kanilang cryptocurrency feature.

Pagfully na itong mailabas siguradong marami na naman makikinabang dito halos lahat na rin kasi ng mga user ni paymaya ay karamihan crypto pinanggalingan . Kaya magkakaroon ng labanan ng mga crypto companies dito sa bansa at siguradong maraming promos na naman ang maglalabasan para lang makahatak ng maraming users.