Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Pre-pandemic Unfinished NBA Prediction Tournament
by
Darker45
on 08/04/2022, 01:35:37 UTC
Maraming salamat sa pag-PM!

Medyo nagkabuhol-buhol na itong issue na ito. Una, nagkapandemic. Tapos nadamay ang NBA games. Pangalawa, may mga personal issues ka pang kinaharap. Pangatlo, pati dalawang escrows red-tagged at inactive na ngayon. Pati premyo natangay pa. Di man lang sinauli. Pero sa tingin ko mukhang di naman balak ni bL4nkcode na tangayin yung funds. Posibleng maibalik yun pero yung kay asu ang malabo na. At nasa kanya pa yung malaking halaga ng premyo. Tapos nung ginawa itong palarong ito nasa $9,000 pa lang si BTC. Ngayon nasa $43,000 na.

Pero ayos na rin at mukhang balak mo pa ring harapin at tapusin yung nasimulan mo kahit tambak-tambak na kamalasan na ang nangyari. Ayos yun!

Para maging mas masaya, willing pa rin naman akong mag-ambag ng kaunting dagdag sa reward. Good luck! Sana maumpisahan ito sa darating na playoffs.