Post
Topic
Board Pilipinas
Re: GCash offering crypto services soon
by
chrisculanag
on 12/04/2022, 20:50:23 UTC
<snip>

Sana lang talaga wag naman garapalan na kagaya ng Coins.ph masyadong agrabyado tayong mga pinoy sa laki ng diprensya sa buy at sell ng Bitcoin, sana lang kay binance sila mag base tapos kahit papano eh konting layo sa actual price para madami  talagang magkainterest lalo na sa mga datihan na sa crypto.

Tignan na lang natin kung ano ang magiging advantage kung gcash ang magcacater ng crypto investment natin.

Maganda talaga ang mangyayari kasi nauna na si Paymaya na naglabas ng beta ng crypto service nila kaya expect na hindi papahuli ang gcash.

Pero kilala naman na maganda ang mga serbisyo na nagawa ng Gcash , sa tingin ko magiging maka-masa parin siya sa mga fees. Kung magiging maganda pamamalakad na tiyak mas marami pa silang mahahatak na tulad natin. Sana nga basehan nila si binance about diyan para kahit paapano may pagpipilian na tayo na paglagyan ng mga assets.

Sana na , pero wag sana rin maghigpit dahil karamihan sa cryptocurrency wallet ay maraming kuskus balungos para lang makagamit at makapagipon ng assets.

Itong sunod sunod na paglabas ng mga crypto services sa mga wallet ang magiging daan para mas makilala ito sa pinas. Kailan kaya mailabas ang serbisyo nila para mapaghandaan na yung mga assets na magandang itabi na accept nila.