Tama ka Kabayan tulad namin , hindi kami makapagbanko kaya inaasahan na lang namin ay coins.ph at iba pang wallet na suportado ang cryptocurrency. Pero kung mas mailabas nila ng mas maaga baka mas sisigla rin Yung cryptocurrency sa ating bansa.
Sana maging maganda lang terms and conditions ni GCASH sa mga users Niya Hindi gaya ng iba.
Kilala nmn natin na tlgang maasahan ang Gcash since sila ang nagpasikat ng mga online wallet since before pa. Napakaganda nitong news na ito sa mga unbank gaya ng sinabi dahil bukos sa madaling magcashout dito papuntang money remittances, May debit card feature kasi ang gcash kaya pwede mo na idirect withdraw ang pera mo sa Gcash ATM na hindi na kailangan png dumaan sa mga remittances center. Sobrang the best ng update na ito para mga Pilipino na gumagamit ng crypto lalo na sa mga small transactions lng dahil makakatipid tayo ng fee dahil dn dadaan pa sa Binance P2P ang pera natin para maconvert sa Fiat.
Mas lalo tuloy kaabang-abang itong mangyayari na plano nila. Marami silang matutulungan dahil nga sa convenient at maraming madaling paraan para maging pera agad ang crypto na pinaghihirapan natin.Laking tulong din ng talaga yung Gcash Atm nila , totoong napakadali pa maglabas ng pera diyan kesa sa ibang Online wallet apps. Bka mangyari muna nito ay crypto exchanges lang muna tapos ifeature din nila trading. Abang lang muna tayo sa mga updates.
Kaya nga medyo tumigil muna ako na mag lagay at mag cashout ng crypto funds sa Coins dahil na din sa fees nila from different platform like Binance to Coins may fee, tapos pag convert mo into peso hindi pa accurate yung presyo ng BTC nila.
Ginagamit ko ngayung P2P from Binance to Gcash or dretso na sa bank account ko. Mas convenient at mas makaka tipid sa fees.
Sa tingin ko ang magiging advantage ng Gcash sa ibang platform ay mag lalagay sila ng investment options para sa crypto. Kasi may G-invest feature sila sa kanilang platform malamang mag dadagdag sila ng crypto doon.
Parang abra wallet ganun? Tama rin bat meron akong tanong diba meron silang scan to pay if ever ba like ma intergrate yung crypt is magagamit kaya yung scan to pay without converting it to our own fiat? like BTC to BTC ang transactions (nevermind the fees) since medyo napa isip lang ako neto
Parang ganun na nga , para dun sa scan to pay parang pag aaralan pa nila yan. Iba iba kasi fees depende sa gagamitin na coins kaya maaring magkaroon ng malaking problema lalo na kung traffic yung network na gagamitin mo para maka scan to pay. Sa tingin ko ay para lang sa fiat yung scan to pay nila pero tignan natin baka idagdag nila yan nasa isip mo.