Tama, dapat sa pagpasok natin sa mga ganitong investment ay tingnan natin ang future market nito, feasibe ba o hindi. Hype lang ba o may utility na pwedeng mag sustain ng value. Karamihan kasi sa mga pumapasok sa mga ganito kadalasan ang nasa isip ay continuous ang demand but little that we know, possible na may mga grupo sa likod nito na naghahype at nagpapump ng mga prices. Kaya kadalsan sa mga ganitong investment (P2E at NFT's) timing ang pinakaimportante dahil kadalasan isahang beses lang ang mga ito nagboboom.
Sumasang ayon ako sayo, dapat talaga ng masusing pag imbistiga patungkol sa isang proyekto. marami kasi talagang lumalabas na bagong project na walang utility kundi nadadaan lang sa hype. nag pupump lang dahil manipulado tapos bigla maglalaho na.
At yun ang madalas na hinahanap din nung mga investors na madalas ma scam, yung tipong hype at pag nakatsamba eh tiba tiba
hindi nila naisip na mas madalas alat kesa sa swerte sa loob nitong investment na to, dapat talaga masusing imbistgasyon bago ka
maglabas ng pera. Madami ng nalugi at talagang nasunugan ng pera dahil sa pagmamadali. Yung dyor dapat palagi yan ginagawa
ng masusi para maganda ang laban mo sa project na pinapasok mo.