Hindi naman mahigpit sa bounty campaign, kung magiging active yan si OP in 1 week straight siguro pwede na ulit syang makapasok. Isa pa, hindi naman porke naging inactive dito sa forum ay invalid na agad bumalik upang kumita ng pera. Maybe OP has his own reason why he left this forum for a certain amount of time.
Pero depende pa rin siguro sa manager ng bounty campaign, meron kasing mahigpit talaga pagdating nga sa mga inactive users for a long period of time.
Kung sinilip mo ang profile ni OP ., makikita mong tagged sya ng DT member in which I believe the reason bakit bigla syang nawala noon , kaya ko sinabing Susulpot sya bigla para lang sumali sa bounty samantalang hindi nya magawang maging active kahit isang linggo.
though maaring merong mga bounty na tatanggap sa kanya bilang red tagged account at bilang hindi active , pero ang tanong eh kung worth it ba yong project. dahil madalas sa mga ganong company ay mga shitcoins or mga scam project ang tumatanggap.
Pero sabi mo nga depende sa manager so try nya na lang wala naman mawawala .
Since bounty campaign naman tinatanong nya madalas sa category na yun tumatanggap sila ng red trust users dahil di masyado strikto yung mga managers sa trust score ng mga users ang habol nila makarami ng participants para ma promote ng maayos ang tokens na gusto nila e expose sa publiko.
Pero meron ding reputable managers na ayaw sa red trust user kaya pa tsambahan nalang talaga at kung masipag man si op e sumugal sya sa mga hawak ng di kilalang managers.