Ganyan talaga ang ideal sa newbies kasi doon sila matututo. Kapag hindi sila natuto sa simula, mas matagal pa nila bago marealize kung ano yung dapat nilang iimprove.
Kaya sa simula palang talaga, kapag masigasig ang isang baguhang trader at gusto niya dumami ang kaalaman niya. Maiisip niya agad agad yung experience na dapat nyang ma-gain at kailangan talaga maranasan niya, manalo at matalo.
Ako nga medyo matagal na sa Crypto hirap pa rin sa ganito, nag aaral parin ako at nag susubok mag improve. ang gusto ko talaga matutunan ay yung emotional control, mahirap iwasan manginig pag makikita mo malalim na pag pula ng asset mo.
iniiwasan ko na din sumabay sa mga Hype, mahirap kung di ka ganun ka active pag silip mo bagsak na agad.
Dapat lang talaga na tuloy tuloy pa rin ang pag-aaral kapag nasa crypto. Sa emotional control, darating yan lalo na kung malaki na portfolio mo tapos biglang bagsak ang market. Tapos kung biglang taas naman, sobrang overwhelming ng pakiramdam kaso nga lang hindi permanent yung ganung mga action kaya dapat laging ready mo lang yung sarili at masasanay ka din kaya dun ka matututo mako-control yung emotion mo.
Dun din kasi babase yung susunod mong mga gagawin pagdating sa trading, kung yung naexperience mo eh positibo sa ikauunlad ng investment mo, mas pagiigihan mo na pagandahin pa yung statehiya mo, kung sablay naman at natalo ka dapat handa kang sumubok ulit at dapat wag mo ng uulitin yung nagawang mali, dapat mag adjust ka sa ikabubuti ng trading mo, kung hindi eh patuloy ka lang malulugi.
Mahirap pero dapat willing ka din mag adopt, tapos dapat hindi ka kukurap, sa mga pagbabago dapat alam mo kung paano lalaruin yung trading position mo. Yun ang magiging advantage mo para kumita ka sa negosying to'
Pag aralan mo lang talaga dapat ang strategy na komportable ka. Marami ngayong mga informative contents na makikita mo sa mga social networks at hindi sila nagmo-monetize sa mga fans nila at ang gusto lang talaga nila ay maturo lang sa mga kababayan natin maging mahusay na trader.