Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
rhomelmabini
on 14/05/2022, 14:35:30 UTC
Grabe pala binaba ng SLP mula noong huli kong nakita yung price nya sa PHP 0.8+. Last month ata yung huli kong tingin sa price nyan. Gulat ako naging 0.2 noong isang araw. Nahatak din siguro to ng bear market sa BTC.
Akala ko talaga nasa ~PHP0.7 - PHP1.00 pa, di ko na rin kasi chinecheck kasi nawalan na ko ng gana at oras sa axie.
Hatak na hatak kasi yung AXS token nga laki ng ibinaba kaya nga nakabili rin ako ng mga Axie sa marketplace ng murang mura din, halos nakabili ako ng 4 teams for just 10k PHP pero hindi naman sa magaganda yung nabili ko pero ok na rin kasi active rin kasi nga devs ng Axie at as far as I know meron silang update gaya ng Axie Infinity: Origins.
Sa totoo lang ang kailangan nilang ilabas eh mas maayos na burning mechanism bago ang origin, pwede rin namang sabay. Kasi kung hindi sila maglalabas, never na tataas yang SLP, siguro swerte na kung mag-piso ulit. Unlimited supply ng SLP, kahit inalis na nila yung sa adventure, di pa rin yun sapat na burning mechanism in my opinion. Saka ang dami nilang token masyado, AXS at RON, kaya natatabunan SLP pagdating sa presyo.
Sana nga nasa isip nila yan kasi sa whitepaper roadmap nila walang naka specific na burning mechanism (yung maayos) although merong mga articles to support it. Sana isipin nila yung mga sumusuporta  pa rin sa laro kahit na nagsibabaan na ang lahat, kailangan nila nga tokenomics expert dahil hindi talaga maayos yung desinyo ng mga tokens nila.