Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Isa kaba sa my mga bitcoin or any crypto noon?
by
Jemzx00
on 22/05/2022, 06:59:01 UTC
Hindi mawawala sa pag-iisip natin na manghinayang sa mga crypto na nakuha natin noon mapa-faucet, gambling, mining, campaigning at iba pang paraan natin nakuha iyon dati. Ngunit mas maigi kung hahayaan at tatawanan na lang natin dahil may mga nabili naman tayo dahil dito.
Yung 10k Bitcoin Pizza na topic ay laging nauungkat pero naisip ba nila kung magkano lang ang bitcoin dati kung possible ba talaga na bumili ng kahit ano gamit ang bitcoin dati. Pero still, masaya ako na may nangyaring ganyan dahil isa itong patunay na yung crypto ay possible maging future currency nung time na iyan.
Tama, move on nalang talaga pero hindi lang din madali kasi alisin sa isipan natin yung mga tipong tanong tulad nalang ng "paano kaya kung ganito ginawa ko".
Sa point naman yan na sinabi mo na may nabili tayo, totoo yan. Ang mahalaga napakinabangan natin at kahit hindi man masyadong mataas ang pagbenta natin, napakinabangan naman natin sa panahon na nangangailangan tayo.
Wala naman din kasi tayong mapapala kung iisipin na lang natin lagi na "what if ganto, what if ganyan". Much better kung mas magfofocus tayo sa ginagawa natin. Imagine mo na lang na nagkapera ka nang walang nilalabas, katulad ko na nagfaucet, naggambling at nag campaigns at kumita ako ng walang nilalabas at nakatulong ito nung panahon na yon. Para naman sa mga investors, atleast kumita kayo at napalago nyo yung investment nyo that time at hindi nalugi.
Paano naman yung iba na walang nabili pero nagkapera lang? Oo wala man kayong nabili like laptops, kotse, motor or kahit anong pag-aari pero nakatulong naman ito sa iyong pangagailangan lalo sa pagkain pang-araw araw.