Ang tagal na natin pinaguusapan ang taxation on crypto at marami na din ako nasabi tungkol dito. One way or another, magkakaroon din ng specific regulations para sa cryptocurrencies at kasama na dyan ang pag-tax sa ating mga crypto income.
Uulitin ko na lang dati ko pang position dito, kahit wala pang specific rules covering crypto ay subject to taxation pa din talaga income na nakukuha natin sa crypto mula sa iba't ibang sources (trading, mining, P2E, campaigns). Ang usapan na lang dyan ay under what classification kasi baka pwede under Regular Income Tax o kaya naman ay under Capital Gains Tax.
Maganda din yung article ng Bitpinas kung saan hiningan nila ng opinyon ang isang abogado, basahin ninyo para mas maging mas informed -
Cryptocurrency Tax Philippines | Play-to-Earn | Axie Infinity Tax 101 by PDAX and TaxumoAt isa pa kailangan i-address dito is yung incident na ma rug pull or liquidated tayo in the future
Active naman ang SEC pagdating sa investor protection kasama ang crypto. Problema nga lang eh matitigas ulo ng mga Pinoy at hindi nakikinig. Mahilig din sila pumasok sa mga projects na unknown ang mga founders kaya hirap din habulin ng awtoridad.
at paano sila mag ta-tax sa atin dito?
Pinakamabisang paraan yung pakikipagugnayan ng BIR sa mga palitan kagaya ng Coins.ph at PDAX. Baka pwede din sila humingi ng tulong sa Binance at ibang international CEX na pwede link sa local banks natin.
Ano ang opinion nyo tungkol dito sa crypto tax proposal ni Department of Finance?
Kulang pa sa detalye pero magandang matalakay na ng next admin agad.