Ang dali talaga magsalita ng corruption ano. Paano mo nasabi na gusto nila palakihin? Napansin mo ba kung ano nakalagay sa proposal dun sa article? Ang nakalagay lang dun ay 'clarifying tax treatment of crypto transactions'. Wala naman nakalagay na tataasan dyan. Ganyan yung nakalagay na proposal dahil hindi pa malinaw hanggang sa ngayon kung Capital Gains ba yung kinikita (subject to Capiral Gains Tax) o kaya naman ay Ordinary Income (subject to Regular Income Tax). Magkaiba kasi ang tax base at tax rates nyan.
No basis naman talaga for corruption syempre, di pa naman ito naiimplement pero expected naman talaga na meron paren corrupt officials.
Anyway, mukang hinde pa talaga magkakaroon ng tax kase pinagaaralan paren nila ito and even DOF Secretary ay hesitant paren with regards to this topic. Let's wait nalang talaga for their final assessment and final decision, wala ren naman kase tayo magagawa once na maimplement ito kaya support nalang naten if ever basta nasa tama.
Always naman na walang basis when it comes to corruption lalo na sa gobyerno. As of now, sobrang konti o halos wala ang napapatong na taxation para sa mga crypto users sa Pilipinas. Atsaka, I doubt na magkakaroon ng taxation sa cryptocurrency dahil most of the official are not even familiar sa crypto. Pero sabi nga nila, if there's a will, there's a way.
Yun na nga, limited lang ang magagawa natin kung magkakaroon man ng taxation sa crypto pero kung sakaling ma-implement ito, magkaroon sana ng clarification sa pagpataw ng taxes especially sa mga traders.