Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MARCOS ADMIN, OPEN TO DIGITAL CURRENCY
by
arwin100
on 07/06/2022, 23:19:21 UTC
Napanood ko yung ilang interview ni PBBM during campaign time, lagi niyang nasasabi yung tungkol sa digital infrastructure at kaalinsabay nito yung pagiging bukas niya sa crypto currency. Isa na ba itong magandang panimula upang ang Pilipinas at ang Gobyerno ay i-adopt ang Crypto?

BBM on Crypto:

https://www.youtube.com/watch?v=LcEH6O0JbXQ
Though maganda ang mga nababanggit ni PBBM nung panahon ng kampanya pero maalala nating hindi pa sya tuluyang nauupo ngayon may ilang mga araw pa si PDU30 at hanggat hindi tuluyang nauupo si Marcos at inilalahad ang kanyang stand sa crypto eh mahirap na Umasa , but for me magandang panimula ito dahil katulad ni PDU30 na hindi hinadlangan ang crypto sa pinas , sana mas maluwag pa at mas malakas ang maging suporta ng susunod na administrasyon .
Tama ka dyan kabayan, nakaka excite na magkakaroon na ng pagbabago o pag unlad sa bansa natin gamit ang crypto. Naniniwala ako na sususportahan ni PBBM ang hakbang ng crypto sa bansa natin kasama ng kanyang mga supportive na gabinete.

Dahil nabanggit nya ito sa isa sa mga vlogs nya for sure na susuportahan nya ang lumalaking industriya ng crypto sa pinas so for sure goods na goods tayo dito sa nee admin natin. Ang ayaw lang ng iba ay yung proposal na papatawan tayo ng tax pero sakin ok lang naman basta ba makatutulong ito sa bansa at make sure nila na hindi mapunta sa bulsa ng mga buwaya sa gobyerno.

Parang yung huling sinabi mo ang pinakachallenging hahaha, yung wag mabulsa ng mga buwaya, eh crypto nga db mas madaling ibulsa kasi pwedeng maitago sa ibat ibang klase ng alternative coins, pero moving back sa stand ni PBBM ako din naniniwalang susuportahan nya yan kasi alam naman natin na isa sa mga kilalang pamilya sila at ung mga mayayamang nakakasalamuha nya baka meron mga whales dun na makaimpluensya sa kanya.

Maliban pa dun sa mga malalapit sa kanya na nakakaunawa na rin ng crypto, sana mas maluwag pa at mas lumawak pa
ang crypto sa bansa natin.

Yun nga ang challenge dun but knowing blockchain nakakatatak naman dun yung mga transaction history kung san napupunta yung mga funds at sa higpit din naman ng seguridad in terms sa paggamit ng wallets gaya ni coins.ph at iba pa na nag required ng KYC sa bawat users nito e malamang mababawasan ang korupsyon dahil mapapangalanan agad sila kapag nagkataon gumawa sila ng kasalanan.

And good thing talaga na maganda ang response ni PBBM sa crypto dahil for sure lalawak ang crypto sa pinas dahil isa sa mga proyekto nya ang digital infrastructure kaya damay damay na yan lahat sa digital space at kung ano mang opportunidad ang kalakip nito.