Hindi sa basher ako or kung ano man pero bakit hindi tugma ang galaw ng bibig ni BBM sa sinasabi nya sa video. Gayunpaman kung open man ang susunod na administrasyon sa mga digital currencies, sana ang makikinabang talaga dito ay taumbayan at hindi ang mga nasa gobyerno. Magbibigay lamang ito ng hindi magandang imahe sa crypto kung hindi maganda ang magiging pagpapatupad. Dapat din nilang ipaalam sa mga Pilipino ang mga risk nito pag hindi ka maingat sa pagtago at kung gaano ito ka-volatile.