Reputation din kasi ng mga bounty/campaign managers ang nakataya pag tinanggap nila ang may negative trust rating lalo na kapag DT ang naglagay nito. Yan ang pinaka dapat iwasan ng mga members dito sa forum dahil halos katumbas na din ito ng pagka-ban ng iyong account. Pwede itong tanggalin pero dipende kung mapatunayan mo na wala ka nilabag na rules. Maraming members dito sa forum na walang negative trust kaya mas mababa ang chance nya matanggap kung may mahanap man sya na campaign o bounties. Dapat maganda ang quality ng mga post nya para doon sya bumawi.
Mahirap talagang magtiwala kapag ang participants ng isang campaign na hawak mo ay may negative feedback or trust. Lalo na sa red tagged sa OP which is sa bounty abusing at multi account. I doubt na marerepute ni OP yung tagging sa kanya since si Lauda ay wala na sa forum.
For me, depende dapat ang negative trust upang maaccept sa isang campaign kagaya ng ibang campaign manager. Kung about bounty abusing, scamming, post bursting/spamming at multi account ang negative feedback sa isang account, much better na automatic na hindi tanggapin. Pero kung ibang negative tagging na hindi makaka-apekto sa post quality then atleast give chance or review the tagging.
Anyway, depende rin talaga ito sa bounty manager rules since reputation nila as bounty or campaign manager ang nakasalalay rito.