Hindi nakakapagtaka na 2nd tayo kasi since 2018 siguro marami na din nag kicrypto sa Pilipinas pero tahimik lang. At mas lalong dumami ito ngayon dahil na din sa mga p2e games tulad ng sikat ng axie na talagang nagboom. Andaming na involve sa crypto gawa ng din ng inooffer nitong scholarship. At isang tulong din dito yung pandemic, kasi mas naghanap ng pagkakakitaan ang mga kababayan natin online at ito ang natagpuan nila. At I think dagdag din dito yung pagiging isa natin sa may pinakamataas na bilang na gumagamit ng social sites like facebook, youtube etc. at ito ang mas naka impluwensya sa iba. At marami pa ding p2e games ang kinababaliwan ng iba, tulad ng mir4, thetan etc. at kahit na ganito ang kasalukuyang sitwasyon ng market, sa napapansin ko, patuloy pa rin sila sa paglalaro at paghahanap ng mga bagong p2e games.
Sa totoo lang, mas lalong namulat ang mga Pilipino sa cryptocurrency noong kasagsagan ng pandemya. Maraming nawalan ng trabaho kasabay naman ng pagpasok ng NFT sa ating bansa. Marami ang nakita ang potensyal ng crypto para makapagsalba ng marami sa atin sa kahirapan. Isa na ring dahilan ang paghahype ng mga pinoy na kung saan marami ang bumibili ng crypto dahil sa chance na makakuha ng malaking profit. Marami ring big time investors dito sa atin na sumasabay sa hype lalo na ang mga malalaking personalidad. Sa kabilang banda, marami pa din ang nalulugi dahil sa kakulangan ng kaalaman sa crypto investment. Mali kasi ang mindset ng iba na madali kang yayaman sa crypto.
Nataon pa na bull cycle last year kaya sobra ang naging hype ng crypto sa mga pinoy lalo na sa baguhan. Akala nila ay patuloy ito na tataas kaya di sila nagdalawang isip na mag-invest ng malaking halaga sa crypto at mga nft games. Marami tuloy akong nakikita sa social media ngayon na halos iinvest na ang kanilang savings makapag-invest lang sa crypto noong nakaraang taon at ngayon ay balik sila sa umpisa dahil sa malaking talo. Hindi lang dapat sa pagiging top ownership ng crypto ang i-achieve natin para sa ating bansa kundi dapat magkaroon din ng sapat na kaalaman ang mga kababayan natin dito.