Kung hindi ka pa nagsubmit ng documents para sa KYC, talagang may magpapop up sayo na message na ganyan. And worse eh di mo maaccess ang cryptocurrency wallet mo dahil may nakalagay na need mo magpaverify. Naging ganyan coins.ph ko after ko mainterview at magsubmit ng mga documents sa proof of income at nadecline nila since ang sinubmit ko ay kita sa signature campaign ng mga gambling site na sinalihan ko. Parang namisinterpret nila na galing sa gambling activities iyong kita ko.
Para sa pagsunod yan sa AML. Buti na lang may Binance p2p mas madali pa tuloy mga transactions ng pagcash out.
Nagamit ko rin itong Abra pero mas ok para sa akin sa Binance p2p mas mabilis ang transaction.
Yun ang mahirap pag custodial wallet talaga ang gamit mo. Makikialam sila kung saan mo kinukuha ang funds. Dahil na rin sa hindi naman conventional way of earning ang signature campaign, malaki talaga ang chance na mamisinterpret nila especially if the campaign is for a gambling site.
Ang problema kasi hindi iyong ang first time na pagsubmit ko ng source of income. Way back early 2018, nirequire nila ako magsubmit ng KYC, nagcomply naman ako at hinanapan din ako ng source of income dahil nga medyo malaki talaga ang kinukuha ko noon araw araw. Nagsubmit ako ng source of income ko from trading, as assistant sa mga bounty campaigns, at from signature campaign, that time fortunejack ang campaign na nasalihan. That time nasa 0.04 BTC weekly ang pasweldo plus bonuses ng fortunejack kaya napaka generous ng
Sig campaign nila noon. Wala naman naging problema during those time, inaccept naman nila yung source of income ko kaya nagtaka ako nung humingi ulit sila ng update ng source of income ko ay rejected na.