Payslip not an option sakin, baka mag make up na lang ng business kuno online selling or something. haha
Yun lang kung hindi applicable ang payslip sayo, probably since hindi ka employee, anong documents ang pwede mong ipakita for online selling. Try mo kumuha ng barangay permit na lang siguro for back up na lang din at may mapakitang documents.
Pwede na yan, mas maganda kung meron ka rin DTI, madali lang naman yan, tapos barangay nalang permit ko kasi pwede naman sa barangay ka lang nag ooperate. Or pwede rin remittance yung nakukuha mo, yun nga lang hanap ka ng way ma prove kasi may requirements pa rin.
Hindi na nga ako komportable lalo na nanghihingi pa sila ng video recording.
Anong worst case scenario pag di ako nagcomply dito enhance verification? sana di maclose account ko, okay lang kung lilimit nila daily cash-ins.
Na try ko na yung video recording na nirerequire nila, medjo hassle talaga sya since may kaylangan kang sabihin sa recording. May possibility na malimit lang siguro yung cash in and out mo sa account mo pero sa pagclose, siguro kung may suspicious activity pwede nilang ihold yung account mo until may verification ka.
Ako hindi naman naka pag try ng video recording, siguro dahil mabilis akong mag update once ni require na ako, saka di rin malaki pumapasok sa account ko.