Sana hindi ka hingan ng business permit and ITR, dahil kung legit business ang operation mo, automatic meron ka talaga niyan.
Hindi mo rin naman pwede I fake ang documents kasi malaking kaso din yan, public documents eh.
~snip
Itong account ko ay self-employed, kaya ng hiningian nila ako ng proof, Certificate of Income lang ang sinubmit ko sa kanila na pinagawa ko pa dati sa Barangay hall namin. Buti na lang at wala ng hiniging additional requirements gaya ng business permit and ITR, nakasaad lang naman kasi doon na 3,000 pesos lang ang monthly income ko at loading station lang naman ang business.
Mas mahirap talaga ang process kapag self-employed, grabe yung mga documents na hinihingi nila at parang bangko naren sila. Well, wala talaga tayong choice either wag na gumamit ng coinsph or mag comply sa kailangan nila. Baka yearly na sila maghanap ng KYC, di na talaga ito maiiwasan kaya hanggat maari, wag magtransact ng malaki sa coinsph para maiwasan ang ganitong aberya.