Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Another KYC requirements ng coins.ph?
by
Jemzx00
on 10/07/2022, 11:25:17 UTC
Itong account ko ay self-employed, kaya ng hiningian nila ako ng proof, Certificate of Income lang ang sinubmit ko sa kanila na pinagawa ko pa dati sa Barangay hall namin. Buti na lang at wala ng hiniging additional requirements gaya ng business permit and ITR, nakasaad lang naman kasi doon na 3,000 pesos lang ang monthly income ko at loading station lang naman ang business.

Ui pwede to ah. Salamat sir, di naman pala kelangan iyong lahat ng pumapasok na pera.

Hoping na nakatulong itong suggestion ko sayo.

Salamat.

May kausap ako sa help section ng coins.ph, may dalawang documents na hinihingi. Iyong isa posibleng makuha from brgy hall based dun sabi ni Text. Sana maging tomorrow.
No problem sana nakatulong ako sayo. Much better talaga kung yung mga documents na ibibigay mo ay galing lang sa barangay para hindi masyado hassle sa pag-asikaso. Tsaka hindi ka mahihirapan since wala masyadong requirements na titignan ang barangay, minsan pa nga gagawin na lang agad sa harap mo ng walang tanong.