Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Another KYC requirements ng coins.ph?
by
Japinat
on 17/07/2022, 09:28:15 UTC
Ayaw ko maging negative pero mukhang negative kung mismong galing bitsler na screenshot ang sinend mo sa kanila, maliban nalang kung transaction ID lang at hindi nila mate-trace yung address galing bitsler.
Tama to, iwasan mong mag submit sa kanila na related sa gambling kahit pa sabihin nating kita lang yun sa signature campaign, galing pa rin yun sa isang pasugalan. Baka mas madagdagan lang ang problema mo. Itong current sigcamp at yung eview campaign nito pwede na yan.
Yun nga naisip ko agad nung nakita ko nabanggit nya yung bitsler. Kasi kahit sabihing bounty lang galing yan at payment sa isang task nila, tataas agad kilay ng verifier niyan kasi known naman na casino yan at puwede silang mag assume na gumagawa ka lang ng kwento pero galing talaga sa isang casino yung dumaan sa account mo at platform nila.
May point nga naman, bawal kasi ang gambling sa terms ng coins.ph, so anything na galing o papunta sa gambling ay bawal, lalo pat yung funds ay galing mismo sa account ng bitsler, at sa tingin ko, madali lang naman i verify ang wallet ng Bitsler. Gawa nalang ng ibang excuse, like remittances or anything na madaling i justify.

Tinanggap naman po iyong supporting document na pinasa ko,. (screenshot ng Bitsler bounty rewards na may description kung para saan). So di na kinailangan iyong sa barangay. Pero na demote pa rin iyong privileges ng account ko. Dati, 400k ang limit, ngayon parang level 2 na lang.


Well, siguro ang basis nila sa pag maintain ng iyong limit ay kung meron kay legitimate or consistent amount of money na papasok. Pag bounty, parang reward lang kasi at siguro wala sa mga list na legitimate source of funds, so medyo nahihirapan sila.  Bumaba lang yung level ng acccount mo, syempre pati limi, pero at least okay pa rin, baka gusto mong mag try nalang sa Binance p2p, mas maganda pa ang rate sa coins.ph.