Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bear Market thread
by
lionheart78
on 07/09/2022, 23:26:04 UTC
Sa tingin ko ang susunod na galaw ng market ay depende kung ano ang mauunang magkaroon ng movement.  Kung sakaling magkaroon nanaman ng mga crypto companies na magdedeclare ng pagkalugi ay baka lalong bumaba ang presyo ng Bitcoin.  Alam naman natin na masyadong sensitive sa negative news ang sentiment ng mga traders ngayon kaya madaling magreact ang market kapag may bagong balita tungkol sa mga pagkalugi ng mga bitcoin related company at paghihigpit ng regulation sa cryptocurrency. 

Hopefully magandang balita naman sana ang mga susunod na darating sa Bitcoin market para at least kahit man lang magrecover ng konter or magsideway ang movement ni market ni Bitcoin.