Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph suspended my account without valid reason
by
Jemzx00
on 12/09/2022, 13:49:09 UTC
Para sakin, Hindi na worth it mag paulit-ulit na magsubmit ng documents para lang masatisfy sila lalo na't from a gambling platform yung deposit mo sa coins account. Medjo maghigpit na sila sa halos lahat na bagay mapa documents or ToS nila. After 2 weeks lang ng pagkakasali ko sa campaign ko ngayon, nagkaroon agad ako ng notification for enhance verification. Nagtry naman ako magsubmit ng mga documents like ID and address verification like payslip pero nireject nila yung payslip document ko for address verification (level 3). Official payslip digital copy ito from my company pero nireject nila kaya hindi ko na sinayang oras ko to comply for resubmit.

I suggest na gawing reserve na lang yung coins.ph for transaction at gamitin ang ibang platform para sa mga major transaction nyo makaavoid na rin sa abala.
Sad to hear that bro,pero tama ka nga at naghihigpit sila, although sa case ko nabalik naman ang level ko dahil nakapag submit ako ng mga documents. Sa case ko naman hind payslip ang pinasa ko. Mga documents na may address pero yun nga may maliit lang na detalye na kailagan lang baguhan.

I agree na rin na kung pwede na hindi maging main ang coins eh mas maganda, yun din ang ginagawa ko at nag hanap rin ako ng mabilis na at walang hassle katulad ng Binance P2P.
Unfortunately, gusto ko man mag re-submit ng documents for Address Verification kaso nga lang most of the documents na hinihingi ay manggagaling sa barangay which is masyadong hassle gawin sa ngayon. (Hindi ko pa rin talaga ma-gets bakit yung payslip ay hindi natanggap since official document sya from my company)

As of now, sa Binance na ako nagdedeposit ng funds ko para sa withdrawal na rin sa campaigns ko lalo na't gambling platform ang pinopromote ko. Anyways, matanung na rin kita since same tayo ng campaign, Sa coins.ph ka pa rin ba nagwiwithdraw ng funds mo or may ibang way ka para ma-avoid magkaissue sa coins.ph?