So ngayon mukang tuloy parin ang pag angat ng bitcoin market kahit wala naman masyadong positive news, Siguro nga dahil lang to sa merge ng ETH na parang nag domino effect. 10% ang inangat, kakapanibago ngayong bear market hehehe.
Sa silip ko $21,700 ang susunod na barrier na dapat i break para ma sustain ang run na to. So far hindi natin na reach to at bahagyang bumama tayo sa $21,200.
Hopefully isa na itong sign para sa pre-reversal ng market, wag lang sana usugin ng mga bagong news na magbibigay ng takot, di kasiguraduhan, at pag-aalinlangan. So far wala pa naman magandang news, tumaas ang presyo ni Bitcoin dahil bumaba ang purchasing power ng dollar at medyo paglakas ng stocks. So waiting pa rin tayo ng mga balita na masasabing magiging breakthrough ng presyo ng Bitcoin sa merkado.
Sa totoo lang, sa ganitong panahon talaga wala ka magagawa but to take advantage of its volatility while mababa pa ang presyo nito sa market. Given din na may price fluctuations over the past week, kung habol mo ang short-term profit, then magandang opportunity siguro ito para makapag earn ka pero yun nga careful na lang kasi nag babago talaga presyo nito at any time.
Personally, majority ng mga BTCs na nakukuha ko sa campaign ko tinatabi ko na lang. The fact na nag p3M ang BTC last year means may opportunity siguro ito na bumalik sa ganitong presyo niya- pero yun nga lang, talagang waiting game muna.