Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bear Market thread
by
Fredomago
on 14/09/2022, 08:04:49 UTC
So ngayon mukang tuloy parin ang pag angat ng bitcoin market kahit wala naman masyadong positive news, Siguro nga dahil lang to sa merge ng ETH na parang nag domino effect. 10% ang inangat, kakapanibago ngayong bear market hehehe.

Sa silip ko $21,700 ang susunod na barrier na dapat i break para ma sustain ang run na to. So far hindi natin na reach to at bahagyang bumama tayo sa $21,200.

Hopefully isa na itong sign para sa pre-reversal ng market, wag lang sana usugin ng mga bagong news na magbibigay ng takot, di kasiguraduhan, at pag-aalinlangan.  So far wala pa naman magandang news, tumaas ang presyo ni Bitcoin dahil bumaba ang purchasing power ng dollar at medyo paglakas ng stocks.  So waiting pa rin tayo ng mga balita na masasabing magiging breakthrough ng presyo ng Bitcoin sa merkado.

Na break na nga yung analysis ko na $21,700 at pumalo ng mahigit na $22k na tayo. Mukhang nakahinga na tayo ng kahit kaunti mula nung bumababa tayo sa $18k at siguro matatawag nating reversal nga ang nangyari ngayon.

Pero maging mapang matyag parin, although tumataas ang presyo nasa bear market parin tayo this month. $25k parin ang barrier na dapat ma break sana natin at least for this year.

sang ayon ako dyan kabayan, medyo bumaba nanaman sa $20k ngayon kaya talagang mahirap makipaglaro kung hindi ka pa kumbinsido sa kaalaman mo, nasa season pa rin tayo na mas malakas ang hatak ng bear kesa sa pag laban ng bull pero kung scalping naman ang ginagawa mo siguro meron kang mapapala kasi masusundan mo yung galawan at makakatiming ka ng maganda gandang presyo para bumili at magbenta ng assets mo.

mahirap ang timing ngayon lalo na at bear season nanaman. halos lahat ng kilala kong magagaling na trader is nag bakasyon na since malaki na kinita nila nung bull season. suggestion nalang nila is focus muna sa real life business habang bear market pa pero may mga kilala pa rin naman akong mga traders na tuloy tuloy pa din sa pag tetrade hanggang ngayon.

Experienced na kasi ang basehan nila sa pagsabak sa market kaya nag iingat sila baka masunog ang pera nila, pero gaya din ng sinabi ko sa taas na reply ko kabayan, ung nag sscalp at nag dadaily trading medyo meron pa rin naman medyo matakaw lang sa oras.