Hopefully isa na itong sign para sa pre-reversal ng market, wag lang sana usugin ng mga bagong news na magbibigay ng takot, di kasiguraduhan, at pag-aalinlangan. So far wala pa naman magandang news, tumaas ang presyo ni Bitcoin dahil bumaba ang purchasing power ng dollar at medyo paglakas ng stocks. So waiting pa rin tayo ng mga balita na masasabing magiging breakthrough ng presyo ng Bitcoin sa merkado.
parang taliwas ang nangyari , dahil eto na ang mabibigat na problema ang amerika ay nasa kanilang economic trouble now and the merging ng Ethereum ay parating na mamaya so ano kaya ang tuluyang mangyayari?
parang medyo mabigat ang magiging epekto nito sa market itong susunod na mga oras or araw kaya sana lang kapit mga kababayan at wag masyado magpatalo sa maling desisyon na gagawin.
Kinain talaga ng CPI news ang magandang takbo natin nitong nakaraan, sayang ang ganin patungong $22k at higit pa. Pero wala tayong magawa, ang lakas ng impluensya ng US hindi lang sa crypto, halos lahat tinamaan eh, mas matindi nga lang sa market natin kasi nga nakapaka volatile nito.
So far naman, katulad ng sabi ko nung nakaraan, tumigil ng bahagya at nasa support na naman tayo ng $20k at -defend to ng mga bulls. Palagay ko baka konti na lang din ang epekto ng merging ng Ethereum sa market dahil nga nasa bearish sentiments parin tayo.
Yun nga sadyang binibigyan talaga ng diin ang mga ganap sa US ng mga investors at tingin ko ginagamit nalang to ng ibang manipulators para sa kanilang personal gain kasi pag napabagsak nila ang presyo ng bitcoin ay makakabili sila sa murang halaga. Pero alin pa man wala tayong magagawa talagasa lakas ba naman talaga ng impluwensya ng US kahit saan kaya ang best na gawin natin is mag antabay nalang talaga sa mga balita ukol dito.
May epekto talaga itong bearish sentiment pero tingnan natin kung may malaking price movement na magaganap since top 2 alt si ETH at maraming tao ang mataas ang tiwala sa coin na ito.