Buti ka nga boss ni reject yung KYC mo kaya hindi ka nag level 3, yung sakin masaklap level 3 na tapos binalik ng level2. kaya tinamad na ko gamitan yang CPH dahil napaka pangit ng sistema nila. wala kang kalaban laban anytime pwede lahat ng tinatago mo mahold nila since di tayo ang may hawak ng private key. sana mabasa ni CPH yung mga hinaing dito baka sakali bumalik yung mga dating users sa app nila.
Nag try naman ako mag submit ng documents which is yung Payslip ko sa company ko ngayon for level 3 verification kaso nga lang need ata ng signatures mismo at printed copy nung payslip para ma-verify o ma-validate nila. Medjo hassle na sakin yun kaya hindi ko na tinry ulit lalo't minsan lang naman ako lumampas sa limit for level 2.
I doubt na mababasa nila mga concerns natin dito dahil parang abandoned or hindi na sila active rito kahit may thread silang sinimulan dati. Also, may possibility pa rin naman ma-recover yung funds mo in case ma-ban ka kaso nga medjo hassle yung procedure dahil may parang NDA or agreement ka na pipirmahan para dito.
~snip~
Kung pwede ko tong masagot, since sa campaign natin eh direcho sa account natin, mas maganda i rekta mo na to sa Binance at wag na lang sa coins.ph. Wag mo na isugal at tiyak yan baka mga una or mga ilang withdraw mo eh successful, baka magulat ka na lang na biglang may email na naman sayo.
Kaya ayun Binance tapos p2p Gcash, smooth hehehehe.
Yun! Salamat sa sagot mo since parehas naman yung campaign natin. Siguro nga idederetso ko na lang sa binance yung pagwithdraw ko ng funds at iiwasan ko na rin yung pagtransact from gambling platform to coins.ph para iwas problema na rin. Up until now kasi sa coins.ph pa rin ako nagwithdraw ng funds pero siguro titigil ko na next payment.