Palagay ko baka konti na lang din ang epekto ng merging ng Ethereum sa market dahil nga nasa bearish sentiments parin tayo.
Medyo di nga nag-build up ng hype. Saka in the first place, wala naman talagang direktang epekto ang merge sa market price ng ETH. Saka iyon nga gaya ng sabi mo, natapat sa current trend kaya struggle din. Long-term talaga makikita ang resulta. Gaya ng event na Bitcoin halving nga di ba, pag malapit na ang halving, walang masyado paggalaw ng price kahit sobrang hype. Nakita lang natin ang pag skyrocket ng price after ng maraming buwan.
Not saying parehas sila ng mangyayari sa ETH pero puwede gawing reference kung para sa pagbuo ng speculation lang din.
Pwedeng gawing basehan at kung naniniwala kang may posibildad na ganun ang mangyayari palagay ko dapat pakonti konti eh bumili at kahit na bumaba pa ang presyo eh dagdag lang ng dagdag, long-term wise aangat din naman yung value experienced na yan ng mga matatagal na sa pag ttrade, medyo kabado ka lang talaga lalo na kung ang ginagamit mong pang invest eh hindi talaga extrang pera kundi perang pang emergency mo, spare pero in case na magka emergency eh yun din ang paghuhugutan mo.
Hindi dapat talaga ginagamit pang invest ang funds na allocated for emergency funds, saving and other types. Personal rule ko is spare funds or investing funds lang yung mapupunta sa investment. If you have emergency funds, Wag na wag mo galawin yan unless na emergency talaga. Anticipated din natin na yung bull market is mangyayari pa few years from now, So long term investment yung mangyayari. About ETH, I think na in few months pa mag tatake effect yung merge and dun natin mararamdaman yung price bump given na nag bago sila ng mechanism.