Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bear Market thread
by
Baofeng
on 16/09/2022, 21:24:04 UTC
Palagay ko baka konti na lang din ang epekto ng merging ng Ethereum sa market dahil nga nasa bearish sentiments parin tayo.

Medyo di nga nag-build up ng hype. Saka in the first place, wala naman talagang direktang epekto ang merge sa market price ng ETH. Saka iyon nga gaya ng sabi mo, natapat sa current trend kaya struggle din. Long-term talaga makikita ang resulta. Gaya ng event na Bitcoin halving nga di ba, pag malapit na ang halving, walang masyado paggalaw ng price kahit sobrang hype. Nakita lang natin ang pag skyrocket ng price after ng maraming buwan.

Not saying parehas sila ng mangyayari sa ETH pero puwede gawing reference kung para sa pagbuo ng speculation lang din.

Its all about the technology kasi yung sa merge ng ETH. Sa ngayon magandang step na yun from POW to POS for sure may ibang coins din ang shift to POS if nakita nilang successful ang shifting ng ETH. About sa market naman ng ETH tingin ko hindi masyado gumalaw kasi nga nasa bear season tayo ngayon at maraming takot mag pasok pa ng pera pero in the future tingin ko mag take effect din sa market yung merging ng ETH.

Actually gumalaw ng konti ang presyo ng merkado halos mag $2k sila at na reach naman ng BTC eh $22,500. Kay lang talaga ang announcement patungkol sa CPI ang naka apektado nitong mga nakaraang araw kaya madugo na naman market at hindi na rin natin naramdaman ang ETH merge.

So balik na naman tayo sa lower bound ng $20k, actually below na naman nga ngayon kaya baka sa iba maiinis na makita ang presyo pero ganun talaga dahil nasa bearish cycle pa tayo.