Tingin ko nga sa market parang maglalaro na lang yan sa sideway range na $20k - $22k unless meron talagang major event na magbibigay ng hype ng BTC, which can possibly transition the bear market to bull market. Pero sa narinig ko from Bob Loukas (di ko lang mahanap ang link ng video ) matatapos ang 2022 na bear market pa rin, possible getting ready to transition sa 2023. So mahaba haba pa nga itong lalakbayin natin na bear market kaya medyo mahaba pa time natin para magaccumulate.
Parang walang pinagbago sa last bear market, ang mas maganda lang ngayon kasi yung lowest ngayon, highest naman nung 2017. Partida nasa bear market tayo ngayon.
Ang iniisip ko naman paano nalang magiging lowest sa next bear market na dadating baka $69k naman magiging lowest nun at ang interesting pagkatapos ng halving, ano naman kaya ang all time high nun?