Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph suspended my account without valid reason
by
Jemzx00
on 17/09/2022, 12:50:40 UTC
Mas ok na yung ginawang level 2. Kaya maswerte kayong mga level 2 kesa sa aming mga level 3 pero custom limit at 25k lang. Pero kung hindi ka narin naman gumagamit ng coins.ph ok lang din. Ako, after nung na custom limit ako, di ko na sila ginamit. May tirang altcoins nalang ako doon parang doon ko na rin hinohold pero hindi rin naman kalakihan parang hundred lang din.
Sabagay, mas maganda na rin siguro yung since nung chineck ko yung limit ng level 2 at compared sa custom limit nila sayo as a level 3 user, sobrang laki ng pinagkaiba. Minsan din kasi nalagpas yung transaction ko in a month ng 25k kaya sobrang hassle kung sakaling kumita ka ng ganun tapos hindi mo magalaw.

Hindi ko na ginagamit coins ko sa ganyan, saka wag mong gagawin na direkta sa gambling site papunta sa coins kasi ma dedetect nila. Hindi ko alam kung paano pero parang may blacklist sila ng mga withdrawal addresses ng mga casino. Sa binance ako, mas ok at mas convenient.
Yun! Salamat, bali dalawa na kayo ni baofeng na nagsabi sakin about dito so never ko na talagang gagawin para wala na mangyari sa account ko kung sakaling kaylanganin ko man. Good thing na medjo familiar na rin ako sa binance since user na rin nila ako dati pa. Stick na ako sa binance as of now.

Yes, ganyan nga ang ginagawa ko sa ngayon, pag pasok sa Stake account natin, direcho ko na sa Binance wallet, kelangan sa funding wallet ah para ma P2P mo agad. Pwede naman i set yun na  pumasok sa funding wallet. At kung hindi ako nagkakamali eh naka default sa spot yan, pero pwede mo palitan na ang wallet mo eh maging funding wallet agad. Gumagamit parin ako ng coins.ph pero hindi rekta na galing sa gambling platform nga dahil nga against din sa TOS nila yan.
Sige sige try ko yan, hindi ko kasi binago yung settings ng binance ko kaya rekta pa rin sa spot tapos lipat na lang sa funding wallet para ma-P2P. Hindi naman sya hassle pero siguro kung cashout naman purpose at hindi trading, mas magandang iset ng ganyan para rekta na agad.