Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
Fredomago
on 19/09/2022, 07:46:36 UTC
<snip>
Kahit 1.7 AXS lang nakuha ko, nakabenta naman ako ng mga Runes and Charms gaya ng Bloodlust kaya all goods ako Smiley. Runes and Charms na ang labanan ngayon dito kasi pwede kang magkaroon ng isang buong team sa halagang $20-$30 pero if hindi maganda ung Runes and Charms mo, mahihirapan kang umangat. Mga iba nga nagsasabi ung team $30 pero ung Runes and Charms nasa $1000.

Sa paparating na Season 1 ata ilalabas na nila ung Cosmetics. Di ko pa alam kung paano ung makakaapekto sa bawat axie pero sure burning mechanism na naman.
Yo, kabayan, paano makakakuha ng Runes and charms? Tsaka ano yung gamit nya sa game.
Kamusta din ha yung axie na may land feature?
Curious lang ako since medyo nahahype na ulit itong game na to. Tagal ko na rin kasing hindi nagbabasa ng news regarding axie, if meron mang madaan sa news feed ko, kadalasan iniignore ko lang.

Medyo matagal-tagal na din ako di naglalaro at base sa kunti kong kaalaman craft mo ito at need mo lumustay ng slp para makakuha ng magandang runes at charms. So far maganda ang burning na nangyayari dahil dito at me plano pa na parts upgrade ng for sure makakatulong ito ng malaki sa pag burn ng supply. Sa ngayon medyo di pa maganda ang reward status if slp farming gagawin mo at ang target ng iba ay sa leader board na muna since dun makaka kuha ng magandang reward if nasa top spot ka.

Hindi na rin ako nakikibalita pero kung tama pagkakaintindi ko sa sinabi mo, yung burning feature ang magiging way para mapaangat kahit papano ang value ng SLP, pag mas marami kasi ang mag ccraft dadami din yung mabuburn na SLP at ang impact eh positive kasi nga mababawasan ang supply at malay natin mahatak ng maganda para sa pag angat ng presyo. Sa ngayon mas marami pa rin ang abangers at medyo mas kaunti yung willing mag take ng risk para maglabas ulit ng extrang pera pero siguro nga pag na hype ng mas maganda ganda itong laro ulit tapos tumiming din na biglang lumakas ang crypto market, yung mga sumugal malamang sa malamang may mababalitaan nanaman tayong mga nabago ang buhay..