Oo, kaya nga mas ok yan. Siguro kung ganyan ginawa ni coins sa account ko baka mas natuwa pa ako at baka ginagamit ko pa rin sila ngayon.
Parang hindi ko rin talaga maisip na good thing yung ginawa nila sakin na level 2 lang at walang nagbago sa limits dahil parang ma-anxious ka rin gamitin like what if anytime biglang magrequest sila ng kung ano at babaan bigla yung limit ko tulad ng nangyari sa iba. Much better na rin na iwasan talaga para iwas hassle kung may mangyari anytime.
Well, ganyan din yung feeling ko dati lalo na nung nababaan ako ng limit hanggang sa nawalan na ako ng gana pero kung iisipin mo. Sa mga accounts namin na sobrang binaba ng limit, mas marerealize mo nalang na mas ok yung nangyari sayo.
Tama yan, wag talaga pati rin sa ibang local exchanges kasi di ko alam kung may way talaga sila na gawin yun, pero parang ganun na nga. Ang higpit nila pagdating sa ganyan pati rin yung mga paluwagan, wag na wag.
What do you mean po? Pati mga local exchanges at paluwagan, nakakatrigger ng violation sa ToS ng coins.ph? Parang wala naman yun sa ToS nila at hindi naman yun violation.
I mean, kung gagamit ka din ng ibang local exchanges, may ganyang ruling din sila tulad ni coins about kung saan galing ang transaction mo at pwede nilang ireason yun para iflag account mo. Yung sa online paluwagan, mahigpit si coins dyan, posibleng matrigger din sila kapag kasali ka sa mga ganyan tapos nagtransfer ka o may incoming transaction ka na galing sa ganyan.
May mga kakilala din ako na lock ang coins dahil sa mga paluwagan, I think ang nag titriger kay coins para icheck yung account eh yung maraming labas pasok ng pera sa account, pansin ko lang kahit malaking pera pumasok basta hindi madalas ang pag pasok at labas hindi naboblock, pero kung maraming transaction labas pasok doon sila nafaflag. base lang yun sa obserbasyon ko ha