Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
blockman
on 24/09/2022, 09:25:47 UTC
Parehas tayo, investor mode muna at silip silip nalang pero hindi na naglalaro, mas maganda alagaan mental health.  Wink
nakakastress na talaga mag laro ng Axie, parang ang hirap din manalo, bukod pa dyan sobrang liit nalang talaga ng binibigay. bagsak na nga ang presyo mababa pa ang reward talagang maiistress ka, yung friend ko napipilitan nalang talaga maglaro kasi until now dipa sya nakakabawi sa puhunan nya... pero nakikita ko sa mga post nya yung inis nya tuwing matatalo sa laro.
Yun lang hirap sa mga solo investor na walang ibang investment kundi axie, need nila mabawi yung puhunan nila. Sa akin, mga axie ng scholars ko di ko na ginagalaw at wala na rin naglalaro, antay nalang ako ulit tumaas floor price saka ako magbebenta ng mga axies ko para kahit papano may balik pa rin.

Parehas tayo, investor mode muna at silip silip nalang pero hindi na naglalaro, mas maganda alagaan mental health.  Wink
magandang move yan hehe, iwas muna laro para di mastress, hold na lang ng mga assets at accumulated token sa paglalaro, hintay ng pagtaas sabay benta lahat.
Kaya nga, ganyan lang talaga sa ngayon hindi naman laging mataas at hindi rin naman laging mababa.