Yep. Sobrang sensitive ng coins.ph sa mga pumapasok sa wallet mo lalo na kung madalas ka magdeposit sa wallet mo. Dapat alam mo lahat ang pinanggagalingan ng funds mo para ma justify mo sa annual KYC nila na mandatory na kung gusto mo na matanggal yung custom limit.
Kaya ako sa mga exchange nlng naglalagay ng pera kung gusto ko man magconvert ng crypto to fiat dahil may P2P naman tapos electrum kapag savings purposes. Maganda lang talaga ang coins pang bili ng load.

Ako rin Binance p2p nalang gamit ko, incase need ko ng peso mag p2p ako direct na sa bank ko or sa Gcash, sa Gcash na rin ako minsan nag load diko na talaga ginagamit yang CoinsPH ko. nalalagyan lang yan ng laman kapag meron nagbibigay ang Angpao. or pag may friends na nakikipag trade ng Gcash to CoinsPh. the rest diko na talaga nilalagyan yan.
Para sakin sobrang ganda na rin talaga ng P2P sa binance lalo't mas secured na yung gcash information natin. Hindi na ako kakabahan sa personal information ko dahil censored na yung pangalan natin sa kapag nagsesend.
Anyways, Wait natin yung mga galanteng tropa natin na may crypto na namimigay ng mga
AngPao pati si coins.ph mismo tuwing Christmas at New Year. Medjo goods sakin yun kasi every year yung tropa nagsesend ng link sa GC tuwing holiday.