Ako naman eh may alam na rin sa bitcoin bago ako nag join sa community na to, so pre-2017 at medyo malaki laki rin yun. Ganun din sa OP, nakakapang hinayang talaga lalo na nung pag pasok ko nung 2017 at nag bull run ito. Sa kaso ko hindi sugal, kundi ang natabi ko pala eh ang bitcoin address ko at hindi ang private key (hindi pa kasi ako gaano may alam tungkol dito). At kahit anong hanap ko hindi ko na talaga makita kaya kakapanghinayang pero hindi pa naman huli ang lahat at kahit paano nakapag subi naman ng konti ang nagka profit nung 2017 at nitong huling bull run.
Sayang naman, mga ilang bitcoin din kaya yung natabi mo nun? Tama ka, hindi pa naman huli ang lahat at ang mahalaga ay nandito ka at tuloy tuloy lang din ang pag-iipon mo at kumita ka din naman nung bull run na yun.
Sa totoo lang, lahat naman ata nagbenta nung nag bull run especially nung 2017-2018 kahit mga whales for sure nag benta ng mga tokens nila. Ang pagkakaiba lang hindi sila nag-all-in sa pagbenta nagtira sila ng coins nila at nagtake profit na rin. Based na rin to sa mga nakikita at nababasa ko mismo dito sa forum na galing sa mga OG miners, investors at forum members.
Mahirap na rin kasing isipin na pagsisihan natin yung mga potential profit dahil nung time na yun, nagprofit tayo ng malaki na rin tsaka sobrang risky din talaga dahil mas maraming naniniwala dati na "Crypto is a bubble" compared ngayon na halos hati na yung pros at against crypto. Isipin na lang din natin na, "Gain is gain" o "Profit is profit" malaki man o maliit.
Basta bull run, may magbebenta at magbebenta. Kahit hindi bull run nagbebenta din ako kapag may mga kailangan naman ako. Sa mga whales, sigurado yan, basta bull run nag aabang yan at nung 2017 pati na rin last year, maraming mga nabenta yang mga yan. Buy and sell lang din talaga ginagawa nila kaso nga lang, malakihan yung sa kanila.