Nate-trace kasi nila per account yan lalo na kapag off chain ang transaction at mismong sa platform nila lumalabas pasok yung pera ng mga users nila.
Kaya para sa mga mahilig sa mga online paluwagan, ingat lang kasi mati-trigger talaga si coins.ph para itrace mga ganyang transactions at pwede nilang i-ban accounts niyo.
So eto na nga, hinanap ko yung reply ni jamyr sa ibang thread dito at makikita natin dito yung mga hindi acceptable na deposit at schemes sa kanilang platform. Medjo weird lang para sakin yung about sa online paluwagan since pwede mo naman itong gawin ng mga kakilala mo like friends and families at possible ka pa rin matag.
Parang hindi kasi siya acceptable sa kanila at yung ideya ng paluwagan sa kanila parang scam. Pwedeng ganun yun sa kanila at yang mga guides na yan pagkakaalala ko nasa blog website nila yan.
Parang doon ko nakita yang mga ganyan pati na rin sa T&C nila. Mas maganda na rin yung aware tayo sa mga ganyan nila para sa mga users nila na nandito at gumagamit pa rin ng wallet nila.